in

Filipinang kasambahay, sumakabilang buhay na sa ospital matapos magbigti

Isang 32-anyos na Filipinang kasambahay, na napag-alamang nagtangkang magpakamatay sa bahay ng kaniyang amo sa Sheung Shui sa New Territories noong ika-1 ng Agosto, ay tinanggalan na ng life support matapos ideklara nang clinically dead, ayon sa mga opisyales ng Philippine Consulate General ng Hong Kong.

Ayon kay Consul Paulo Saret, ang head ng consulate’s assistance sa nationals section, hinugot na ng mga staff ng North District Hospital sa Sheung Shui ang life support system noong alas-dos ng hapon ng Miyerkules nang maideklara nang brain-dead ang babae noon pang Lunes ng hapon, ayon sa ulat ng sunwebhk.com.

Ang asawa ng babae, na pinakasalan niya lamang noong ika-25 ng Hunyo, ay nakarating sa Hong Kong noong Martes, eksakto lamang sa oras na tanggalin ang life support ng babae. Ayon sa isang source, kamakailan lamang umuwi ang babae upang magpakasal sa sibil at saka na kamo sila magpapakasal sa simbahan.

Ang kaniyang mga labi ay ipapadala na sa Pilipinas. Ang babae, na nanilbihan sa Hong Kong ng halos walong taon, ay napag-alamang nagbigti sa loob ng kaniyang kwarto. Natagpuan ito ng kaniyang 39-anyos na amo, na tinulungang  ibaba at itinawag siya ng mga pulis. Isinugod sa ospital ang babae nang kritikal na ang kondisyon.

Inabisuhan ni Consul Saret ang mga Filpinong domestic workers sa Hong Kong na makipag-usap sa kanilang mga kaibigan at pamilya upang mabawasan kahit kaunti ang kanilang mga dinadala, o kaya naman ay humanap na ng tulong. “Kahit ano pang problema mayroon ang manggagawa, maging pera man yan, o problema sa mga amo, laging mayroong solusyon para diyan.”

Ang hotline ng Consulate ay bukas 24-oras na mayroong mga taong handang makinig at magpayo. Ang mga taong kailangang maka-contact sa Assistance to National ay maaaring tumawag sa consular hotline number na 9155-4023.

Para naman sa mga ukol sa trabahong isyu, maaari silang tumawag sa hotline ng Overseas Workers Welfare Administration na 6345-9324 o kaya naman ay sa 5529-1880 para sa Philippine Overseas Labor Office.

Original: Filipina maid in suicide bid passes away in hospital

continue reading

What do you think?

0 points
Upvote Downvote

Total votes: 0

Upvotes: 0

Upvotes percentage: 0.000000%

Downvotes: 0

Downvotes percentage: 0.000000%

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Filipinong nag-overstay sa UAE, makakauwi na matapos mamatay ang kaniyang anak

杜特爾特經濟學的代價正在浮現