in

Filipinong nag-overstay sa UAE, makakauwi na matapos mamatay ang kaniyang anak

Isang Pinay na ilegal na nananatili sa United Arab Emirates ay pinayagan nang makauwi sa ‘Pinas matapos malamang sumakabilang buhay na ang kaniyang anak.

Si Maria Isabelle, na lumipad sa UAE noong 2008, ay legal na namasukan bilang yaya sa Abu Dhabi hanggang 2014. Umuwi siya sa Pilipinas at muling nagbalik sa UAE gamit ang visitor visa upang makahanap ng trabaho, ayon sa ulat ng Khaleej Times.

Gayunpaman, hindi nagtagumpay si Isabelle at kinailangan niyang bumalik sa Pilipinas. Bumalik-balik siya sa UAE gamit ang visitor visa hanggang siya’y nagdesisyon na manatili roon kahit na alam niyang mage-expire na ang kaniyang visa.

“Noong aking huling bisita, in-overstay ko ang visa ko. Makaraan ng mga 10 buwan, nakahanap ako ng trabaho, at ng among maaaring mag-sponsor ng aking visa”, sabi niya.

Hindi makakakuha ng work visa si Isabelle dahil na rin sa mga ‘di pa niya nababayarang immigration fines na nagpatong-patong nang siya’y mag-overstay. Nang mayroong nag-anunsyo tungkol sa amnesty program, ‘ika niya’y sasamantalahin niya iyon upang muling maging regular ang status niya sa bansa.

Sa kasamaang palad, nakatanggap siya ng balita na ang kaniyang 23-anyos na anak ay namatay sa isang aksidente noong Linggo, kaya kinailangan na niyang umuwi agad ng ‘Pinas. Agad na nag-apply siya ng amnesty, at ayon sa kaniya, matapos lamang ng isang oras ay nabigyan kaagad siya ng exit pass, at tuluyan nang makakauwi sa Huwebes.

Original: Overstaying Filipino in UAE to return home after son’s death

continue reading

What do you think?

0 points
Upvote Downvote

Total votes: 0

Upvotes: 0

Upvotes percentage: 0.000000%

Downvotes: 0

Downvotes percentage: 0.000000%

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Diplomat, dinala sa korte at inutusang magbayad sa kaniyang kasambahay

Filipinang kasambahay, sumakabilang buhay na sa ospital matapos magbigti